Ang kontrobersiyal na lupa ng Pag-asa sa Quezon City

ANG kontrobersyal na lupa ng Pag-asa sa tapat ng Trinoma Mall sa Quezon City ay kaliwa’t kanan na pinag-aagawan ng mga lokal na pamahalaan ng Quezon City, National Housing Authority at mag-asawang Francisco. May kautusan naman ang korte na itigil ang demolisyon ng mga bahay.

Sa isang sulat na ipina-dala ng Tala Estate kay QC Mayor Bistek Bautista ay pinaalalahanan ang mga ito na walang kahit sino sa government ng QC, NHA o kahit sino pang umaangkin ng lupa gaya ng mag-asawang Francisco ang pupuwedeng kumilos nang labag sa kasalukuyang kautusan ng korte.

Kung magpapatuloy ang nabanggit na mga sangay ng pamahalaan at sina Francisco na maggiba ng mga tahanan ng mga lehitimong umuokupa sa ilang bahagi ng 25 ektaryang lupa ng Tala Estate ay nanganganib silang magmulta ng P1,000 kada metro kuwadrado sa gigibain nilang istruktura.

Bilang suporta sa sinasabi ng mga abogado ng Tala Estate na sina Atty. Homobono Adaza at Atty. in fact Mario Papa, isinama nila sa sulat ang titulo na may petsang Oct.1-4 pati ang kopya ng titulo ng TCT No. T-498 at mga dokumentong certification mula kay  LRC Antonio Noblejas na nagpapatunay na hindi peke ang titulong hawak ng Tala Estate at ito ay nakatala sa kanilang records.

Kaya kahit na anong titulong hindi nagmula sa Oct 1-4 at mga kopya ng titulong TCT Nos. T-498 at 408 ay mga peke at dinaya lang kagaya ng certification mula sa Register of Deeds ng Rizal. Itutuloy

BOLD SHOWS PADER KAY MEYOR

Bahay-putahan ang Del   Regs KTV Bar sa C-5 cor. Quirino Highway, Novali-ches, Caloocan City.

Grabe ang bold shows at prostitution sa club na ito at ni hindi man lang ipina-sasara ni Caloocan City Mayor Recom Echiverri.

Umaksyon ka naman!!!

Anomang reklamo o puna  ay itext lang sa 0918927-4764,09266719269 o email juandesabog @yahoo. com.Johnny Magalona

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply