Ang rescue sa Chile at ang Luneta tragedy

SINUSUBAYBAYAN natin ang mga nagaganap na rescue operation sa mga nakulong na 33 minero sa Chile at ang development sa Luneta massacre.

Habang sinusulat natin ito, meron nang mga nailigtas na minero sa Chile.

Nakulong, mga Bro, ang mga minero sa San Jose Mines noong Agosto 5 makaraang gumuho ang pintuan ng kanilang minahan.

Noong una, ipinagpalagay nang patay na sila sa loob ng mahigit 660 metrong lalim na butas sa minahan nang may mensaheng lumitaw na buhay sila makaraan ang 17 araw.

Nagsama-sama ang lahat ng ahensiya ng gobyerno na gumawa ng paraan, kabilang na ang paghingi ng tulong sa mga dayuhan upang maligtas ang mga minero.

Ang mga Amerikano na eksperto ang bumarena ng tatlong butas mula sa ibabaw ng bundok hanggang sa matamaan ang kinalalagyan ng mga minero. Ang mga inhinyero na taga-Chile naman ang gumawa at dumisenyo sa kapsula o kahon na ikinabit sa mala-elevator na sistema sa pagkuha sa mga minero.

Kung natutuwa ang mga minero, kamag-anak at kababayan nila, natutuwa rin tayo para sa kanila.

Ang imposible ay nagawa ng tao sa kasong ito at nagmula ito sa mahigpit na pagtutulungan at pagbubuhos ng buong pamahalaan ng makakayanan nito para iligtas sa kamatayan ang mga nasasakupan nito.

oOo

Sa Luneta massacre, alam na natin ang naganap.

Malaking kapalpakan ang naganap sa parte ng pamahalaan kaya naman may namatay na siyam na dayuhang turista, gayundin ang hostage-taker nila.

Kung watak-watak ang mga ahensiya at tauhan ng pamahalaan noong kasagsagan ng hostage-taking, nakalulungkot isiping hanggang ngayon ay watak-watak pa rin sila. Totoo natutuwa tayo at hindi na gaanong sinisi ang media sa naganap at isinentro ang usapin sa palpak na galaw ng mga opisyal at tauhan ng pamahalaan, ngunit nalulungkot talaga tayo sa pagkawatak-watak pa rin ng gobyerno.

At lalong mananatili ang lamat ng pangyayari lalo’t hindi gaanong nasiyahan ang mga biktima at kaanak ng mga ito sa ending ng imbestigasyon. Meron na ring masamang tampo sa umano’y ‘di pantay na pagkilala at pagparusa sa mga may responsibilidad sa krisis.

oOo

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333. Maaari n’yo rin pong mabasa ang ULTIMATUM sa www.remate.ph. Benny Antiporda

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply