Ang Salamangkero

BAHAGI  ng kulturang Pilipino ang salamangka o ‘magic’.  Ito’y isang uri ng sining at talento na nagbibigay-aliw sa mga manonood sa iba’t ibang okasyon gaya ng piyesta, kaarawan
o mga umpukan.

Salamangkero o mas kilala bilang ‘magician’ ang isang indibiduwal na taglay ang pagiging malikot o malikhain ang utak at mabilis ang galaw ng kamay at katawan. Tinatawag ito na ‘magic tricks’, ‘effects’ at ‘illusions.’  Depende naman sa istilo o ‘forte’ ng isang magician ang tawag sa iba gaya ng’ conjurors’, prestigitators’, ‘mentalists’ o ‘escape artists.’

Pero bakit nga ba mababa pa rin ang ‘awareness level’ ng publiko sa larangan ng magic?
Bakit tila napag-iiwanan ito sa iba pang uri ng entertainment gaya ng kantahan, sayawan at pagpapatawa?

Ayon kay Ron Mariano, isa sa kinikilalang ‘best magician’ sa bansa, panahon na para iangat ang lebel ng magic sa bansa.  “Dapat ma-upgrade na ito.”

Aniya, bahagi na ng ating kasaysayan ang pagsasalamangka.  “Si Gat Jose Rizal, ang pambansang bayani mismo ay isang salamangkero.”

Mas klik ang magic sa children’s party lalo na sa mga lalawigan..  Di nga ba mas’attentive’ ang mga bata sa ganitong okasyon kapag alam nilang may mga payaso sa party dahil ti-yak na magsasagawa ng magic.

“In the provinces, visual magic is still accepted and mental style-not so much,” ani Mariano, Presidente ng Illusive Magicians na itinatag nito.

Kabilang sa grupo sina JB dela Cruz, versatile corporate magician; Marlon Ablay, mime magician; Allan Rondina, classics of magic; Napoleon Vangan-Perez, parlor type of magic at si Ron Mariano, illusion designer (slight of hand).

Aniya, bagama’t unti-unting nakikilala na ang pagma-magic sa ating lipunan nananatiling mababa pa rin ang kamalayan ng publiko.  “Dapat continuous education ang pagma-magic para hindi pagsawaan. “Dapat i-modernize na ito,” giit pa ni Mariano.

RON MARIANO

Kilala si Mariano bilang ‘greatest card manipulator and top hand artist’ sa bansa sa larangan ng salamangka.  Hindi lamang siya magician.  “He is an etrtainer at his own right, an other phenomenon on the rise.”

Naniniwala si Mariano na ang pagiging matiyaga ang pangunahing katangian ng isang salamangkero o magician, pinag-ibayo nito ang pagtuklas sa kaniyang napiling karera.

Sa edad na 5 unang namulat si Ron sa larangan ng salamangka.  Isinilang sa San Miguel, Zamboanga del Sur at naging inspirasyon ang napanood na magic sa telebisyon.  Isang babae na lumutang sa ere at biglang nawala sa kaniyang paningin.

Madalas din siyang bigyan ng ‘magic tricks’ ng kaniyang ama kung maaga siyang matutulog.

Mula noon,  ito na ang simula ng kaniyang pagtuklas ng magic sa labas ng kaniyang lalawigan.

Nag-aral siya sa Maynila at tinapos ang kursong Architecture sa Far Eastern University.
Isinasabay din nito ang kani-yang ‘research work’ kaugnay sa pagma-magic.  Hindi tumigil at patuloy na pinag-ibayo ang pagbabasa ukol sa pagsasalamangka.

SALAMANGKERO—RON MARIANO TV SPECIAL

Kauna-unahan sa telebisyon,  ang TV Special ni Ron Mariano kamakailan sa QTV 11 ay nagpamalas ng natatangi at kahanga-hangang istilo ng pagsasalamangka.

Ipinakita dito kung paano niya napahanga, napabilib at naaliw ang mga tao sa kaniyang magic tricks mula sa matatanda hanggang sa mga bata.  Mula sa kaniyang bayang sinilangan sa Zamboanga del Sur hanggang sa Luzon at Visayas, hindi maitago ng mga sumaksi sa kaniyang adventure ang kanilang paghanga.

Aminado din si Mariano, na hindi naging madali ang kaniyang naging transaksiyon sa naturang telebisyon sa kaniyang TV special.  Ito ay dahil na rin sa mababa pang lebel ng kamalayan.

Umaasa siya na ang naturang TV special ay magiging daan upang mapataas ang antas ng ‘awareness’ sa larangan ng salamangka o magic.

Sa ngayon aniya ay tumatanggap na ang kaniyang grupo ng ‘corporate shows’ na tumatagal mula sa 30-45 minuto.  “Hindi pa naman ganun kalaki ang compensation pero nakatutuwa dahil unti-unti nang natatanggap ng publiko ang magic bilang entertainment,” ani Mariano.

FIRST SCHOOL OF MAGIC

Ayon kay Mariano, isang Pilipino ang nagmamay-ari ng itinayong kauna-unahang School of Magic sa United States.  Ito’y pag-aari ni Ben Chavez.  Ito rin ay nakatayo pa hanggang sa ngayon at patuloy na kinikilala sa larangan ng pagsasalamangka.

WORKSHOP

Regular na nagsasagawa ng summer workshops ang grupo ni Mariano para sa mga batang nagkakahilig na matuto ng sining ng pagma-magic.

Sa halagang P5,000 kada estudyante bilang workshop fee, tiyak na may matututunan ang bata sa larangang ito sa loob ng 4 na session, 3 oras kada sesyon, kasama na ang snacks at kits.
Bukas ito sa edad  mula 5-12 at 12 pataas. Linda Bohol

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply