Angel Locsin, Glaiza de Castro pinagbabangga ng kani-kanilang istasyon

MARAMI ang nagsasabi na magkahawig sina Angel Locsin at Glaiza de Castro.

Ngayon ay nagtatapat na ang kanilang show.

Aminado si Glaiza na na-pressure silang lahat nang makatapat nila ang ‘Imortal’ nina Angel at John Lloyd Cruz. Natalo ang pilot episode ng Imortal over Grazilda, pero sa mga sumunod na araw ay nakabawi ang Grazilda.

” Si Angel kasi, isa ‘yan sa mga kaibigan ko. Iisa ang grupo namin. Hangga’t maaari nga ay ayaw naming magkatapat ang shows namin. Pero hindi naman kami ang masusunod kundi ang network.

“Pero kahit na magkatapat ang shows namin ni Angel, nananatili ang pagkakaibigan namin. Hindi kami magpapaapekto sa competition ng mga TV shows namin. Hiwalay ang trabaho sa personal na relationships namin,” paglilinaw ni Glaiza sa isang interbyu.

Tsuk!

-0o0-

Kumusta ang lovelife ng isang Eula Valdes?

“Masaya!”

Two years na ang relasyon nila ng male model/actor na si Rocky Salumbides. May mga nadidiskubre pa ba siya kay Rocky na hindi alam ni Eula dati?

“Marami, pero mga tipong nadidiskubre mo na lalo mong minamahal.”

Tulad ng…“Sa amin na lang iyon,” tawa ng tawang reaksyon ng mahusay na aktres.

Ang mga plano nila for the future, tulad ng kasal…

“Wala pa, ayaw pa naming isipin iyon kasi hindi pa naman ako annulled, e.”

Ang pagkakaroon ng anak…“Hindi namin pinaplano although gusto niya.”

Gusto rin ba ni Eula na magka-anak sila ni Rocky?

“Kung ano ang ibigay, kung ibigay. Kung ibibigay, e ‘di okay, kung hindi, e okay din. Masaya naman ako, e.”

Tutal raw ay parang mga tunay mag-ama raw ang turingan nina Rocky at Miguel (na anak ni Ronnie Quizon) at Juliana o Yana (na anak naman ng non-showbiz former husband ni Eula na si Richard Litonjua).

“Diyos ko, grabe, para niyang anak si Yana! “Sobrang close sila. Kasi si Miguel ano na medyo … 16 na e, so mabarkada na, e. Si Yana laging naka-buntot kay Rocky).

“At tsaka ‘yung ano, ‘Saan ka pupunta?’ “Kunwari aalis (si Rocky), ‘Saan ka pupunta? Hindi, hindi ka aalis!’” May chance ba na i-adopt na ni Yana ang apelyido ni Rocky?

“Hindi! Kasi kasal naman kami ni Richard, siyempre Litonjua iyon, hindi papayag iyon [Richard], siyempre.”

Magkaibigan pa rin sina Eula at Richard.

“Oo naman, oo. Nagte-text pa rin kami, kung ano ang mga kailangan, kumustahan, ganyan-ganyan.”

Nagbibigay raw ng sustento si Richard (na sa Australia nakatira) para kay Yana. “Nagbibigay, oo, in fairness.”

***

Sa Koreana, bukod kina Kris (bilang half-Pinay, half-Koreana na si Jenna) at Eula, mga bida rin sina Rocco Nacino (as Benjo) at Steven Silva (bilang si Joshua).

Nasa main cast rin sina Mr. Eddie Garcia (as Chang Hee Jung), Lotlot de Leon (as Josefina), Angelu de Leon (as Nerissa) at Sylvia Sanchez bilang Madam Sandra.

Tampok rin ang mga young stars na sina Joyce Ching (as Amy), Luigi Revilla (as Jess), at si Grace Lee (as Alexandra), pati na rin ang komedyanteng si Dinky Doo, Jr bilang si Enok.

Ito ay sa direksyon ni Gil Tejada, Jr. at mapapanood na ito sa Lunes, October 11, sa GMA Haponalo. Roldan Castro

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply