Ano ba talaga ang Undas: sa Demonyo o sa Santo?

NAGTATAKA lang tayo, mga Bro, sa mga okasyon sa Undas.

Sa mga halloween party lalo na, nagmukhang nakatatakot ito.

Kasi naman, parang araw ng mga demonyo ito, hindi ng mga santo at kaluluwa.

Tingnan ninyo, sumali kayo sa mga party at malinaw na makikita ninyo ito.

Ang mga costume karaniwan ay itim o kombinasyon ng pula at itim. Karaniwan ding may sungay at pangil ang mga participant.

Hindi bale ang mga bungo at buto-buto dahil alam naman nating diyan tayo pupunta lahat. Unang mabubulok at matutunaw ang ating mga laman makaraang wala nang epekto ang pormalin.

Makaraan ng limang taon, hiwa-hiwalay na ang ating mga buto at pupuwede nang isako para maipasok naman ang mga kinuha ni Lord na ating mga kamag-anak.

Pero bakit nga ba na ang kapayapaan at kabanalang  inaasahan natin makaraan tayong kunin ni Lord, eh, ginagawang kaguluhan at buhay impiyerno?

Ang kamatayan tuloy ay nagiging nakatatakot sa halip na inaantay ng mga nabubuhay nang matagal na araw ng pamamahinga, pagbabalik sa alabok at pakikipiling kay Lord?

Baka naman talaga lang na naghahari sa mundo ang kasamaan at pagkakataon ng mga masasama na sa Undas nila isinisiwalat ang kanilang mga sarili? Mapadadasal ka tuloy sa takot na ikaw ang sasagpangin ng mga demonyo na katakot-takot ang sungay, may umaapoy na mata at masahol pa sa baboy ramo ang mga pangil.

Sabagay, hindi naman kataka-taka na ganito ang nakikita natin sa kamatayan sa dami ng mga pinapatay na walang kasalanan at inosente.

Mga demonyo talaga, sa Undas at iba pang mga araw ang mga nangmamasaker, ang mga corrupt na nagbubunga sa kamatayan ang mga gawa, ang mga kriminal at iba pang sa impiyerno at kaguluhan nababagay ang buhay.

Maganda sigurong muli nating balikan ang orihinal na idea ng Undas.

Sa November 1, Araw ng mga Santo at sa November 2, Araw ng mga Kaluluwa.

Dito taimtim ang paggunita ng pagpanaw ng mga nauuna sa atin at may kasamang mga panalangin na sila sana ay kunin na ni Lord sa kanyang tabi at mamuhay sa kapayapaang walang hanggan.

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.  Maaari n’yo rin pong mabasa ang ULTIMATUM sa www.remate.ph. Benny Antiporda

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply