Ano ba yang kapalpakan ng Comelec sa SBSK?

INAGAW ang ating atensyon ng pahayag ng Commission on Elections na may 4,400 plus na multiple termers para sa kapitan ng barangay sa katatapos na Sangguniang Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Yun bang === nakalusot na kumandidato ang dapat ay disqualified dahil nakatapos na sila ng tatlong sunod-sunod na termino.

Ang sabi ng Comelec, nakagawa na sila ng resolusyon laban sa mga nagpapalusot. Ito’y matapos na isumite ng Department of Interior and Local Government sa Comelec nitong nakaraang Setyembre ang listahan ng mga wais na kandidato.

Sabi ni Commissioner Greg Larrazabal, hindi ipoproklama ang mga nanalong multiple termer at makaraang mapatunayan ang pambabalasubas ng mga ito sa batas ng halalan, ang may pinakamataas na boto na kagawad ang iluluklok sa puwesto.

Ang isang tanong diyan: gaano katagal yang proseso na yan? Hanggang kailan matatapos ang diskuwalipikasyon at hanggang kailan magkakaroon ang mamamayan ng lehitimong pinuno sa gitna ng pangangailangan nila ng serbisyo publiko?

Sa totoo lang, hindi tayo masaya sa sinasabi ng Comelec na ministerial ang pagtanggap ng mga lokal na Comelec sa mga isinusumiteng kandidatura ng mga multiple termer.

At gustuhin man nila ang magdiskuwalipika, hindi ganun kadali lalo’t malaking problema ang napakaigsing panahon para sa Comelec na idaan sa disqualification process ang mga multiple termer.

Ang tanong dito, eh, kinakailangan ba ang panibagong batas upang malinaw na magkaroon ng mga lokal na Comelec ng kapangyarihang magdiskuwalipika at magkaroon ang mga ito ng sapat na panahon para rito?

Kung nasa 2,000 barangay ang napurnadang magkaroon ng mga kapitan dahil sa postponement ng halalan nitong Lunes at kung may 4,400 na barangay ang namimiligro dahil sa mga multiple termer, aba, milyong mamamayan ang mawawalan ng mga pinuno sa takdang panahon.

Disruptions o pagkasira ng tuloy-tuloy na serbisyo publiko yan.

Kailangang magawan ng malinaw na patakaran, batas at aksyon ang ganitong problema upang hindi maperhuwisyo ang mamamayan.

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.  Maaari n’yo rin pong mabasa ang ULTIMATUM sa www.remate.ph. Benny Antiporda

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply