Antonio handa na sa Asian Games

HANDA nang sumulong ng piyesa si GM Joey Antonio sa 16th Asian Games na gaganapin sa Guangzhou China sa susunod na buwan.

Bagama’t may pressure ay excited na itong muling magbigay ng karangalan sa bansa kaya naman walang tigil ang pag-eensayo ni Antonio mula ng ibalik siya ni National Chess Federation of the Philippines (NCFP) prexy /chairman Prospero “Butch” Pichay sa national team.

“Medyo pressure pero ganado naman tayo kasi muli akong tutulong upang bigyan ng karangalan ang ating bansa sa Asian Games” saad ni Antonio na nagpakitang gilas sa PACE-Tuguegarao Open Chess tournament matapos itong magkampeon at talunin si super grandmaster Wesley So sa tie-break points.

Preparasyon sa openings at pagpapakundisyon ang tanging nasa konsentrasyon ni Antonio.

“Kailangan nating magpakundisyon para maganda ang ipakikita nating performance karangalan ng bansa ang nakataya dito,” wika ni Antonio.

Ayon kay Pichay isang disciplinary action ang ipinataw nito kay RP’s second ranked player Antonio.

“We have a strong chance in the Asian Games with Antonio back in the line up” ani Pichay.

Makakasama ni Antonio sa team sina So (board 1), GMs John Paul Gomez (board 3) Darwin Laylo (board 4) at Asia’s first gm Eugene Torre (board 5).

“Malaking tulong si Antonio sa team kaya malaki ang tsansa natin na maiuwi ang gold medal,” saad ni Torre. ED

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply