Apat huli sa alak

NADAKIP ang apat na lalaki matapos mag-inuman sa kalye, sa Caloocan City.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Omnibus Election Code ( liquor ban ) sina Rommel de Castro, 45; Froilaena Gabaya, 48; Roberto Galvez, 61 at Rosendo Manansala, Jr., 54, pawang naninirahan sa Bagong Barrio, ng nasabing lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-onse ng umaga, nag-iikot ang mga pulis sa Macaneneng st., nang mapansin ang mga suspek na nag-iinuman sa kalsada. Dahil sa umiiral na liquor ban ay agad na dinakma ang mga suspek at dinala sa presinto. Rene Manahan

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply