Apat na estudyante patay sa pagsalpok sa poste

NASAWI ang apat na estudyante ng Our Lady of Fatima University habang dalawa pa ang nasa kritikal na kalagayan matapos sumalpok ang sinasakyan sa poste ng Meralco sa Caloocan City.

Dead on arrival sa magkakahiwalay na ospital sanhi ng pinsala sa ulo at katawan sina Devie Rose Kumar, 19, Ron Mark Russel, 19, Mark Anthony Mistudio, 17, at Ser Abuacan, 20, pawang nursing students.

Ginagamot naman sa East Avenue Medical Center sanhi ng mga pinsala sa katawan sina Neil Carranza, 20, at Jomari Ivan Semolava, 18.

Sa ulat, dakong 12:10 ng madaling araw ay sakay ang mga biktima sa Mitsubishi Adventure (ZNZ-552) na minamaneho ni Russel.

Nang kumurba sa isang bahagi ng Congressional rd. ay sumayad sa gutter ang kaliwang bahagi ng unahang gulong nito. Rene Manahan

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply