Arenas hinagupit sa ‘fake injury’

KAGYAT na pinagmulta ng pamunuan ng Washington Wizards si guard Gilbert Arenas dahil sa pagsisinungaling hinggil sa kanyang injury sa tuhod.

Ayon sa ulat, sinabi ng Wizards guard kay coach Flip Saunders bago ang kanilang preseason game laban sa Atlanta Hawks na hindi siya makakapaglaro sanhi ng pinsala sa kaliwang tuhod na agad namang inanunsiyo ng coach.

Ngunit isiniwalat ni Arenas matapos ang 107-92 victory ng Wizards na nagpanggap lang siya na may injury para mabigyan ng pagkakataon ang  baguhang teammate na si Nick Young na makasalang sa laro.

Sinabi ni Arenas sa mga reporters na nais lang niyang mapagbigyan si Young ng pabor at nang mapatawan ng multa ay humingi din agad ng paumanhin.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply