Arum hanga sa training ni Margarito

Kung sa darating na Linggo umano gagawin ang Manny Pacquiao at Antonio Margarito fight, mas malamang na matatalo ang pound-for-pound king.

Sa isinagawang media day ni Pacquiao, inihayag ni Top Rank Promotions President Bob Arum ang kanyang assessment.

Ang assessment ay inilabas ni Arum matapos nitong maikumpara ang training ni Margarito sa Oxnard, California kay Pacman sa Baguio City.

Sa katunayan, mas hanga umano si Arum sa itinatakbo ng training ng Mexican-American boxer.

Bagama’t pinupuri nito ang City of Pines bilang conducive na training camp, mas maganda pa rin umano ang Wild Card Gym sa Los Angeles, California.

Sa kabila nito, umaasa pa rin ang batikang boxing promoter na manunumbalik ang dating Manny Pacquiao na tutok sa training.

Sa panig ng Pinoy champion, sinabi nitong 100 percent na siyang handa sa laban kay Margarito. Ang Pacquiao-Margarito fight ay gagawin sa November 14 sa Arlington, Dallas, Texas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply