Ayaw maghanapbuhay, nagpakamatay

SA halip na maghanap ng trabaho, minabuti pa ng isang binata na magpakamatay na lang matapos aminin ng sariling ama na hindi na siya kayang buhayin kaya kailangan na nitong maghanapbuhay, kahapon ng madaling araw, sa Pasay City.

Lawit na ang dila nang madiskubre ng mga kapitbahay ang nakabiting katawan ng biktimang si Arjay Faraon, gamit ang mahabang sintas ng sapatos na ipinulupot sa leeg at itinali ang dulo sa kisame ng bahay, sa 577 Ventanilla st., sa naturang lungsod.

Kaagad na kinalag nina Rosalinda Valdez at Michael Delos Reyes ang nakapulupot ng tali at isinugod pa nila sa Pasay City General Hospital si Faraon subalit patay na nang idating sa pagamutan.

Sa pahayag naman ni Artemio Faraon, 61, ama ng biktima kina SPO2 Allan Valdez at PO3 Nestor Rubel, kinompronta nito ang kanyang anak at sinabihan na maghanap na ng trabaho sa halip na tumambay dahil hindi na niya kayang buhayin ang anak ngayong mayroon na siyang karamdaman.

Hindi umano akalain ng matandang Faraon na mas pipiliin pa ng kanyang anak na magpatiwakal sa halip na magtiyagang maghanap ng hanapbuhay. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply