Ayaw maging unprofessional sa trabaho: Jenica Garcia, nanghinayang sa boto para sa ama na kandidato

ANG dapat sisihin at hindi rin dapat sisihin ay ang kontrata ni Jenica Garcia sa GMA Network na kailangang hindi siya lumiban sa kanyang mga opisyo kaugnay sa kanyang mga trabaho sa istasyon.

At tunay na kawalan ng propesyunalismo ang kanyang hindi pagsipot sa taping ng kanyang soap opera sa Channel 7 dahil ipit na ipit siya sa kanyang iskedyul.

Nais magampanan ni Janica ang kanyang mga tungkulin at responsibilidad kabilang ang mga karapatan bilang isang pulitikal na nilalang sa lipunang ito pero may mga bagay na hindi niya maiwasan.

Noon ngang araw ng eleksyon para sa Sangguniang Barangay at Sangguniang Kabataan ay nakatakda siyang bumoto umaga pa lamang pero nagkataon na may trabaho siya malayong Tagaytay City sa Cavite.

Sa Barangay Doña Josefa siya nakarehistro bilang botante at kandidato sa distritong ito ang kanyang amang si Jigo Garcia kaya nakalaan na ang kanyang boto para sa tatay na aktor na kandidato muling kapitan ng barangay.

***

“Iyak nga nang iyak si Janica sa akin. Nanghihinayang siya sa kanyang boto. HIngi nga siya nang hingi sa akin ng paumanhin dahil hindi siya nakaboto. Pero okey lang ‘yon sa akin.

“Kaya lang, isang boto rin ‘yon. Pero dahil may trabaho siya, okey na rin ‘yon. Hindi ko na siya hinanapan siya. Tumawag naman siya sa akin umaga pa lang na hindi siya makakaalis sa taping sa Tagaytay kaya sabi ko sa kanya, okey lang,” kuwento ni Jigo noong Miyerkules ng gabi sa kanyang Jigo’s Barbers sa may Kitanlad Street sa kanyang nasasakupan.

Gayunman, nanalo rin si Jigo sa ikatlong pagkakataon bilang tagapangulo ng barangay.

Matatandaan na natalo ang aktor nang tumakbo siyang konsehal sa Lunsod ng Quezon noong nakaraang lokal na eleksyon sa Pilipinas noong Mayo.

***

Mukhang hindi nga kabawasan ang boto ni Janica dahil ayon kay Jigo, humigit-kumulang sa isanlibo at isandaang rehistradong botante ang nasa talaan sa kanyang barangay at nakakuha siya ng walong daang mahigit na boto samantalang ang kanyang katunggali ay nakakuha lang ng dalawandaan at mahigit na boto.

“Pero siyempre, anak ko ‘yon at may ibang klaseng dating ang kanyang boto pero okey nga lang ‘yon,” wika ng matandang Garcia.

Si Jean Garcia naman na kanyang dating kasintahan ay nagbigay rin ng pampalakas ng loob sa kanya ilang araw bago ang halalan.

“At nag-uusap naman kami ni Jean every now and then tungkol kay Janica at napapag-usapan din namin ang lahat ng bagay kasama na ‘yong eleksyon. She wished me luck,” kuwento ni Jigo na balak nang magbalik-showbiz pagkatapos ng kanyang ikatlong termino sa pagka-barangay captain.

Gayunman, kahit na abala sa kanyang mga opisyo ay naisingit din niya ang pagganap sa isang pelikula, sa “Ang Babae sa Sementeryo” na pinagsasamahan nila nina Maria Isabel Lopez, Boots Anson Roa, Isadora, Chito Alcid, Mercedes Cabral at marami pang iba.

***

Samantala, wagi rin si Ryan Soler sa kanilang barangay sa Makati City bilang kagawad.

Ikalawang pagkakataon na ito ni Ryan sa kapangyarihan ng lebel ng barangay.

At natutuwa si Jigo dahil magkasama sila sa Tuesday Group ni Ryan sa “That’s Entertainment” ni German Moreno.

“Tumulong sa amin si Jeffrey Santos. Umikot si Jeffrey sa may amin no’ng kampanya. Pagkatapos sa amin, tumuloy siya sa area ni Ryan at nagkampanya rin siya ro’n.

“Nakakatuwa, di ba? Kami nina Billy Crowford, nagsasama-sama pa. Kung hindi lang busy si Billy, sasama tiyak ‘yon sa kampanya. Pero wala talaga siyang time, e,” pagtatanggol ni Garcia.

Suportado naman si Soler ng kanyang mga magulang na sina Jun Soler at Raquel Montesa. Boy Villasanta

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply