Ayaw sa desisyon ni Direk Joey: Annabelle Rama, nag-walkout sa Star Factor

NAG-WALK OUT si Annabelle Rama sa taping ng Star Factor last Sunday dahil nagkaroon sila ng hindi pagkakaintindihan ng co-Star Maker na si Direk Joey Reyes.

Pinagtalunan ng dalawa ang elimination sa 15 star hopefuls  at magkaiba sila ng desisyon.

Ang ending, isa sa mga natanggal ang contestant na ipinaglalaban niya kaya sa galit ni Bisaya, nag-walk-out siya at makikita rin ito sa airing ng programa sa Sunday.

Bilang chairman ng Star Makers, hiningan namin ng pahayag si Direk Audie Gemora nang ’di sinasadyang makita namin siya last Tuesday.

Ayon sa kanya, hindi talaga maiiwasan ang mga hindi pagkakaintindihan sa Star Makers dahil sa mga opinyong magkakaiba.

“Ako, personally, nauunawan ko si Tita Annabelle. Pumapanig ako sa kanya. Kasi, lima kami riyan, eh. So, minsan, babaling sa kabila ’yung choices.

Ako, itong particular incident na ito, panig ako sa kanya,” sabi ni Direk Audie.

Ayon pa sa dating stage actor-director, ngayon niya napatunayan na karapat-dapat talaga si Tita Annabelle para maupo as Star Maker dahil malakas talaga ang mata nito sa mga artistahin.

“Usually, ang labanan kasi sa Star Factor ay talent and looks. Eh, madalas, mas pumapanig kasi si Direk Joey sa talent, si Tita Annabelle, mas tinitingnan ang looks. Kasi, at the end of the day, ’di ba, kung sinong hahangaan mo, based on looks.

“Ang talent naman, matututunan mo, mahahasa mo ’yung craft, ’di ba? So, du’n sila madalas nagbabangayan and ako, unti-unti ko nang nakikita kung bakit tama si Tita Annabelle.

“Ako, galing akong teatro, ang importante sa amin, talent. Pero siguro, sa larangan ng showbiz, talagang mukha ang napaka-importante.’

Actually, mabait pa nga raw si Annabelle dahil sila raw ni Direk Joey ang madalas magkabanggaan.

“The week prior to the walkout, nagsagutan kami ni Direk Joey. Talagang kasama ’yon. ’Pag gustung- gusto mo ang isang talent, tapos ayaw ng isa, talagang mag-aaway kayo.”

Aminado si Direk Audie na napipikon siya kay Direk Joey.

“Pero hindi ako puwedeng masyadong lumaban kasi naging guro ko siya sa La Salle, matanda sa akin ’yon. Basta, nagtitimpi na lang ako kasi mas nakakatanda siya, naging teacher ko siya kaya hahayaan ko na lang, opinyon niya ’yon, eh.”

Pero trabaho lang naman daw lahat ito at hindi  umaabot sa puntong nagkakapersonalan sila.

Samantala, sa Sunday, bukod sa kontrobersyal na walkout ni Tita Annabelle, malalaman na kung sino ang tatlong natanggal.

Mula sa 15, ngayon ay 12 na lang ang Star Hopefuls kaya paigting nang paigting ang labanan. Cesar Pambid

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply