Babaeng ‘barker’ patay sa saksak

NASAWI ang isang babaeng barker matapos saksakin sa likod ng hindi pa nakikilalang salarin kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

“Dead-on-arrival” sa Mary Childs Hospital ang biktimang si Emma Chacon, 38, may-asawa, barker ng jeep at naninirahan sa  821 Coral st., ng nasabing lungsod.

Pinaghahanap naman ng awtoridad ang suspek, na mabilis tumakas matapos ang krimen.

Base sa ulat ni PO2 Lester Evangelista, dakong 6:15 ng gabi nang maganap ang insidente sa C.M. Recto corner Abad Santos sts. sa Tondo.

Nabatid na napansin ng biktima ang isang lalaki na tila nanghoholdap kaya kinuhanan niya ito ng litrato mula sa cellphone.

Matapos nito ay sinigawan pa ng biktima ang suspek ng: “Huwag kang mangholdap dito kundi ipahuhuli kita sa mga pulis!”

Makalipas ang ilang minuto ay nilapitan ng suspek ang biktima at walang sabi-sabing sinaksak ito sa likod saka mabilis na tumakas.

Napag-alaman na kalalabas lamang ng biktima mula sa MPD-Station 2 noong Oktubre 4 dahil sa kasong robbery. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply