Babala kay PNoy: Walang peace kay Deles

WINARNINGAN ng mga Muslim leaders at mismo ni whistleblower Sandra Cam si Pangulong Aquino na hindi makararanas ng kapayapaan sa Mindanao sakaling manatili sa puwesto si  Presidential  Adviser for Peace Process Teresita Deles dahil hindi ito ito kuwalipikado at walang mabuting asal.

Sinabi ni  Cam na hindi dapat patulan ni Pangulong Aquino ang pagkakapit-tuko ni Deles sa posisyon at hindi rin dapat pakinggan ang pinalulutang  suporta sa pananatili ni Deles  bagkus ay dapat  pahalagahan nito ang unanimously approved resolution ng Kamara na nananawagan ng agarang pagbitiw sa pwesto ng peace adviser ni PNoy.

Si Cam ay kritiko sa nakaraang administrasyon at testigo  sa iligal na sugal bukod pa sa  malapit na kaibigan ng maraming Muslim leaders at tagasuporta sa pagtaguyod sa interes ng Muslim community sa bansa.

Ang sumbong ni Lanao del Norte Rep. Fatima Aliah Dimaporo na siya’y pinagsabihan ni Deles na basahin na lamang ang kanyang (Deles) mga libro sa halip na mangulit ng tanong tungkol sa priorities at mga programa ng opisina ng huli ang siyang basehan para ipasa ng mga kongresista ang resolusyon sa pagbibitiw ng peace adviser ni PNoy.

“Paano uusad ang prosesong pangkapayapaan sa mga kamay ni Deles kung siya mismo ay walang peace sa mga pangunahing lider ng conflict areas tulad ng Mindanao?,” tanong ni  Cam.

Mariing sinabi ng lider ng whistleblowers movement na masusi rin nilang babantayan ang opisina ni Deles kaugnay sa sobrang laki ng pondong hinihiling nito sa Kongreso para sa pagsulong ng mga pag-uusap para sa pangmatagalang kapayapaan sa bansa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply