Kaberdehan ni Rico J. Puno, tatapatan ni Pokwang

UMIYAK  si Pokwang nang tanungin ang pag-alis ni Kris Aquino sa ‘Pilipinas, Win na Win’. Lagi na lang daw siyang iniiwanan sa show  pero very positive ang kanyang pananaw sa bagay na ito.

Ano ang una niyang naging reaksyon nang sinabi ni Kris na aalis na siya? “Napatulala ako nang bonggang bongga. Saka nakikita niya ako, parang … “o kaiiyak mo lang, ano” sey ni  Pokey.

Napag-alamanan namin na binigyan si Tetay ng pink bus noon na pinasadya pa niya. Parang ilang buwan pa lang niya ito nagagamit at ibinigay na nga sa komedyana. Ang alam namin ay paborito ni Kris ang sasakyang ito kaya para iregalo kay Pokwang, ibig sabihin ay ganu’n talaga ito kahalaga sa kanya.

“Ako mismo, hindi ko masagot, bakit, bakit ako? Ang sagot lang niya sa akin, “because I love you”, ganu’n lang,” kwento niya.

Sa pagdating ng mga bagong male hosts sa show na sina Rico Puno, Marco Sison, Nonoy Zuniga at Rey Valera (The Hitmakers), ani Pokey ay panibagong paghahanda na naman at pagsisikap.

“Ang  Wowowee, nung nag-umpisa, hindi agad ‘yan ganu’n kabongga. Kahit anong show, hindi paglabas agad niya eh kumukwarenta (40) kaagad ‘yan. Ang importante rito, ‘yung bigyan kami ng chance, wag muna husgahan. Wala naman po kaming masamang hangarin, gusto lang naman naming magpasaya sa tanghali, although ‘yun naman din ang hangarin ng magiging show ni Kuya (Willie Revillame) sa kabila.

“’Yun lang, ‘yung huwag na munang husgahan, bigyan muna ng chance ang bawat show. Di naman agad bobongga ng ano ‘yan, eh. Di ba? Ang hirap kasi, inuunahan agad natin ng husga.”

Ready na rin  si Pokwang   kung  umiral man ang pagka-berde ni Rico, abangan na lang daw kung paano niya tatapatan lalo’t galing siya sa comedy bar.

Tinanong din namin ang  cast ng ‘Banana Split’  tuwing Sabado na si Pokie kung sino sa palagay niya ang  susunod sa yapak nina Mariel Rodriguez at  Robin Padilla sa ‘PWNW’.

“Baka sina Valerie Concepcion at Nonoy Zuniga,” nagbibiro at tumatawa rin niyang sagot. Anyway ang comedy princess ng bansa na si Pokwang ay ‘di na paawat at handang-handa na para sa kanyang first major concert na pinamagatang “Endangered Species” na tiyak magpapasigla sa inyo ng tatlong gabi simula October 15 hanggang October 17 sa Aliw Theater hatid ng Camera Entertainment Production at ASAP Live.

“Hanggang ngayon ninenerbyos pa rin ako. Paano kung hindi matawa sakin yung mga tao ‘di ba? (laughs) Ako na lang tatawa sa sarili ko,” saad ni Pokwang.

Sasamahan ng ilan sa mga pinaka-mainit na bituin ngayon sa industriya ang comedy princess sa kanyang first major concert: Pooh, Chokoleit, Elizabeth Ramsey at Mahal; (October 15) Sam Milby at Zsazsa Padilla; (October 16) Mommy Dionesia, Melai Cantiveros, Regine Velasquez at Piolo Pascual; (October 17) Melai Cantiveros, John Lloyd Cruz at Kuh Ledesma.

Mabubusog ang buong pamilya sa katatawa sa handog na pre-Hallowen treat ng “Endangered Species,” sa patnubay ng director na si Johnny Manahan, hatid sa inyo ng ASAP Live, ABS-CBN, Camera Entertainment Productions and Ultramega. Prodyus ito nina Joed Serrano at Cora Rodrigo.

-0o0-

Trailer pa lang ng ‘White House’ ay nakakatakot na. Isa si Iza Calzado sa katatakutan sa pelikula dahil isang mapaghiganting  Black Lady ang role niya. Mapapanood na ito sa October 20 at may premiere night sa October 19 sa SM Megamall.

Kung may nakakatakot na pelikula si Iza, pagpapantasyahan  naman siya ng male audience dahil bibigay na siya sa bago niyang teleserye. Makikipagsabayan siya kina Katrina Halili at Maggie Wilson sa pagtu- two-piece habang rumarampa sa stage para sa seryeng ‘ Beauty  Queen’.

Aminado si Iza na  hindi pa ganoon kaseksi ang katawan niya pero pinaghahandaan niya . Hindi pa raw niya nagagawa  ang magsuot ng two piece kaya napapa-Oh my God siya nu’ng una. Pero dahil professional siya , ginawa  niya. Ayaw niyang masabihan na ‘maarte’.

Sinuportahan naman daw siya ni Maggie Wilson kung paano mag-project at maglakad habang naka-swimsuit.

-0o0-

Ayon sa shout-out sa Facebook  ng controversial manager na si Lito De Guzman: ” Nakidnap ako Sept. 27 at pinakawalan ako ng 2a.m. the folowing day. Ang hirap ng dinanas ko sa mga kidnaper.

Sobra mabait pa rin si Lord dahil binuhay pa rin ako. Nakuhaan ako ng almost 4 million peso including 14rets of jewelries and branded bags kaya mag- ingat na lang lahat ng mga negosyante.

Mag-ingat sa mga haharang ng mga sasakyan na babanggain kayo at magpakilalang pulis or NBI. Mga kidnaper sila. Huh.”

Naka-report na ngayon sa NBI ang kasong ito.

“Siyam  talaga ang buhay. Akala ko mamamatay na ako sa bugbog at palo nila ng baril sa akin,” sey pa niya na naka-briefs na lang daw  na iniwanan sa San Ildelfonso, Bulacan  kasama  ang kanyang sekretarya. Pati Starex niya ay tinangay.

“Tuloy ang buhay. Walang mangyayari sa akin pag magpapatakot ako sa trauma. kailangang mabuhay ko ang pamilya ko,” sambit pa niya sa amin.

“Kung akala nila, hindi ko sila natatandaan,nagkakamali sila. Piniring nila ako pero may butas. Namumukhaan ko sila. Ini-sketch  na sila. Kilala  ko ang mga mukha nila,” deklara  pa niya.

Wish namin ay maka-recover agad si Mother Lito sa pangyayaring ito. Roldan Castro

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply