Back-up dancer ni Adam Lambert dinakma

INARESTO ng mga awtoridad ang isang back-up dancer ng American Idol na si Adam Lambert matapos na magdala ng 18 bala, ilang sandali bago tumulak sa Ninoy Aquino International Airport (NAIAS) terminal 1 patungong Estados Unidos kahapon.

Halos manginig sa takot nang dalhin sa himpilan ng Police Center for Aviation Security (PCAS) ng PNP-ASG ang  pasaherong si  Taylor Bratton Green, 20, na inaresto dahil sa iligal na pagdadala ng 18 bala ng M-16 rifle na nakalagay sa loob ng kanyang bagahe.

Napag-alaman sa report ng pulisya na nakita sa x-ray machine ang hugis ng mga bala kaya’t pinigilan si Green sa may departure area at pinabuksan ang kaniyang bagahe at nakita ang naturang ammunition. Nabigo ang pasahero na magpakita ng permit mula sa PNP Firearms and explosive Division.

Pasakay na sana ang sikat na dancer lulan ng Cathay Pacific flight CX-900 nang maantala ng ilang oras ang lakad nito.

Paliwanag ni Green, ginamit umano na props ang nasabing mga bala sa concert ni Lambert kamakalawa ng gabi.

Inihayag naman ni C/Supt. Pedro Desuasido, chief ngAviation Security Group na matapos isinailalim sa pagsusuri ay nalaman na peke pala ang nasabing bala dahilan upang pahintulutang makaalis ang pasaherong kano. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply