Bading kinarne sa CR

TADTAD ng sasak sa iba’t ibang bahagi ng katawan nang matagpuan sa loob ng kubeta ang isang bakla, kahapon ng madaling araw,  sa Pasay City.

Umaagos pa ang dugo sa katawan ng biktima na si Richard Villareal, 25, tubong Davao City, nang matagpuan ni Joel Carl Manuel, 52, caretaker/stay-in sa Jitney terminal, sa  2755 Taft Avenue.

Dinala sa Pasay City General Hospital ang biktima subalit namatay rin ito habang nilalapatan ng lunas bunga ng mga saksak sa katawan.

Ayon kay Manuel, abala siyang naglillinis sa kapaligiran ng terminal malapit sa LRT-Edsa Station, dakong 4:00 ng madaling araw, nang makita ang bikima na gumagapang palabas sa public comfort room.

Agad humingi siya ng tulong sa isang tricycle driver upang dalhin sa pagamutan ang biktima na lumalabas ang dugo sa bibig at katawan.

Malaki naman ang hinala nina PO3 Simon Respicio Jr at PO2 Dennis Desalisa, na may posibilidad na naging customer ng biktima ang hindi nakilalang suspek na hindi  nabayaran sa seksuwal na serbisyo nito  kaya nagalit at ito ay pinagsasaksak.   Johnny Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply