Bading na kagawad dinampot

NAHULI ang isang bading na barangay kagawad matapos na suhulan ang mga otoridad kapalit nang paglaya ng hinihinalang  kalaguyo nito, sa kasong paglabag sa iligal na doga, sa  Sta. Cruz, Maynila.

Kasalukuyan nakakulong sa MPD Station 3 ang mga suspek na sina Marlove Calip, 31, kagawad at re-electionist sa Barangay 368, Zone 37, District 3, ng 1864 Antipolo st., Sta. Cruz at Florentino dela Cruz, alyas Tino.

Ayon kay Supt. James Afalla, dakong 1:00 ng hapon nang maganap ang tangkang panunuhol ni Calip kay Sr. Insp. Glenn Gonzales, sa loob mismo ng opisina nito.

Una nang nadakip si dela Cruz sa isang buy-bust operation dakong 3:00 ng madaling araw noong Linggo sa Elias st., Sta Cruz matapos makuha dito ang marked money at apat na plasticsachet ng shabu. Kamakalawa ng hapon ay dumalaw si Calip at nakiusap na huwag nang kasuhan kapalit ng ibibigay nitong P9,500 na halaga.

Makalipas ang ilang oras ay bumalik si Calip at iniaabot ang   nasabing halaga kay Gonzales na dahilan naman siya ay arestuhin sa tangkang panunuhol.

a beripikasyon, kabilang si Calip sa watchlist ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Inihahanda ang kasong paglabag sa Sec. 26, Article 2, RA 9165 (Attempt or Conspiracy) at Article 212, RPC (Corruption of Public Official). Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply