Baguhang modelo, agaw-eksena sa ‘Beauty Queen’

UMAGAW NG attention ang isang napakaseksing baguhan sa set ng “Beauty Queen” na napagkamalan ng mga entertainment reporter na dating beauty queen.

Siya si Luna Sison, 22 years old at isang modelo na pinasok na rin ang showbiz sa tulong ni Joebar na siyang tumatayong manager nito.

Ayon kay Luna, hindi niya inaasahan na mapapasok siya sa showbiz dahil pagmomodelo ang kanyang pinagkakaabalahan.

Marami raw kasi ang humikayat sa kanya na mag-artista pero natatakot na baka isnabin lang daw siya ng mga producer at TV networks.

Ngayon nasa showbiz na siya ay wala raw problema kung bigyan siya ng role na daring basta done in good taste at hindi bastos.

Gusto niyang makasama sana si Dingdong Dantes pero natatakot daw siya kay Marian Rivera. Kaya kahit sino na raw ang ipartner sa kanya ay walang problema kahit may kissing scene pa.

Ayaw lang ni Luna na mag-pose sa FHM Magazine. Hanggang two piece bikini lang daw siyang puwedeng magpakuha ng larawan.

****

Hindi maitago sa mukha ni Angelu de Leon ang kasiyahan bilang misis ni Lorenzo Rivera. Marami ngayon ang nakapansin na blooming ang aura ng actress.

Ayon kay Angelu, lahat ng ginagawa niya ngayon ay dapat kasama na ang kanyang mister.

“I never thought na daraan pa ako sa ganitong adjustment, pero nakakatuwa kasi hindi ko na sarili ang buhay ko. Kung noon, it`s always me, ngayon it`s us na kasi may partner na ako,” say ni Angelu.

Pero minsan daw ay nakalimutan niyang may asawa na siya nang lumabas siya kasama ng mga kaibigan na kumain sa labas. Dahil kaibigan ay umabot ng madaling araw ang kanilang tsikahan at the middle raw ng kanilang tawanan ng ma-realize niya na misis na siya kaya kaagad na tinawagan ang mister para mag-sorry na kaagad naman daw naintindihan ni Lorenzo.

Samantalang ngayong Sabado, mapapasabak si Angelu sa segment ng Comedy Bar na “Ipasok Mo Sa`Yo” kasama sina Francesca Farr at Roxanne Barcelo.

****

Nag-iyakan sina Gerald Anderson at Kim Chiu dahil sa mga nagawang pagkukulang daw ni Gerald kay Kim.

Kesyo nakonsensya raw si actor sa mga ginawang pagkakamali kaya laging nasasaktan si actress.

Pero ang ikinaloka ng mga taong nakakausap namin ay ang ipagpilitan ng dalawang kampo na natatakot sila sa banta ng kanilang fans.

Bakit! Mga criminal ba ang kanilang fans.

Baka sa kagagawan ng gimik este ng kung anu-anong tsika ay baka mga fan na lang nila ang manood ng pelikula.

Kaya hindi kami magtataka kung mabalitaan namin hindi nagtagal sa mga sinehan ang kanilang pelikula dahil wala nang gustong manood.

****

Seksi na Iza Calzado nang makausap namin sa set ng “Beauty Queen” na kung saan nakipagtalbugan siya ng kaseksihan kina Katrina Halili at Maggie Wilson,  2007 Bb Pilipinas World sa pagsu-suot ng two piece swimsuit.

Ayon kay Iza, matinding pagtakbo at pagda-diet ang ginawa niya para makapag-reduce. Hindi raw pumasok sa isip niya ang magparetoke dahil puwede naman maging slim at magkaroon ng korte ang katawan sa pamamagitan ng pag-e-exercise, tulad ng pagtakbo ginagawa niya araw-araw at tamang pagkain.

Nagtagumpay siya dahil nakakagulat ang pagkawala ng taba niya sa baywang at naging mala-Diyosa na hugis ng katawan.

Bumukod na si Iza ng tirahan at ito ay may basbas ng kaniyang ama na si direk Lito Calzado.

Pero kahit nagsolo nang tirahan ay nandoon pa ang mga magandang aral na ipinamulat sa kanya ng ama.

Inamin ni Iza na naghilom na ang sugat niya sa puso nang maghiwalay sila ng boyfriend at may bago nang inspirasyon ngayon.

Matatandaang kaya sila nag-break ng boyfriend ay dahil ayaw pa niyang mag-asawa. Marami pa raw siyang gustong gawin sa buhay at ang pag-aasawa ay madali lang pero dapat pag-isipan mabuti.

Kaya naman kung yayain daw siya ng bagong nagpapaligaya sa kanya na humarap na sa altar ay hindi raw siya papayag.

“Maghintay siya. Kung talagang mahal niya ako ay magagawa niyang maghintay kung kailan ko nang gustong mag-asawa,”say ni Iza.

Anyway, tiyak na paiiyakin kayo ng actress sa bago niyang teleserye.

Napakaganda ng istorya at siguradong marami ang makaka-relate.

Promise! Gerry Ocampo

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply