Bagyong Juan KO kay Pacman

BAGAMA’T binabayo na ng bagyong Juan ang hilagang Luzon ay nagpatuloy pa rin si boxing’s pound for pound king at Philippine congressman Manny Pacquiao sa kanyang pagsasanay sa Coyeesan Hotel kahapon.

Kaya naman ay napahanga ang kanyang mga kasama dahil sa determinasyon nitong magsanay at matalo hindi lamang si Antonio Margarito kundi ang bagyong nagsisilbing balakid sa training camp nila sa Baguio City.

Kahit pinayuhan na ng National Disaster Coordinating Council ang lahat ng mga naninirahan sa Northern Luzon na maghanda ay wala pa ring nakapigil kay Pacman sa pagsasanay.

Habang isinusulat ito ay hindi na madaanan ang mga pangunahing kalsada sa Apayao dahil na rin sa landslides.

Si Pacquiao, kinikilala na ngayon bilang ‘the typhoon from the Pacific’, ay sumuntok pa rin sa mitts sa kanilang public work kahapon.

Maging ang mga media ay natatakot na ring umakyat  ng siyudad.

Ayon sa kampo ni Pacman, magandang pagkakataon umano ito para wala nang istorbo sa training ng Pambansang Kamao.

Tiwala naman umano sila na hindi maaapektuhan ang Baguio City sa malakas na bagyo. Gilbert Perdez

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply