Balota kapos, eleksiyon di tuloy?

MALAKI ang posibilidad na hindi matuloy ang eleksyon sa susunod na Lunes, October 25, matapos ibulgar kahapon ng isang insider sa National Printing Office (NPO) na wala na silang papel.

Ayon sa insider, 4.6 million pa lamang na balota ang kanilang naiimprenta, gayong 16 million ang kinakailangan sa halalan.

Ayon pa sa insider, imposibleng mahabol ng NPO ang pag-iimprenta dahil bukod sa bawal magpaimprenta sa iba, dalawa hanggang tatlong araw ang kailangan para magkaroon uli ng papel.

Iyon umano ay kung hindi mababalam ang paghingi ng pera para sa imprenta.

Bukod dito, dalawang milyong balota lamang umano ang kayang iimprenta ng NPO bawat araw.

ayon naman kay Comelec spokesman Dir. James Jimenez, target date lamang nila na makompleto ang mga election materials sa darating na Oktubre 15, 2010 o 10 araw bago ang barangay at sangguniang kabataan (SK) elections .

Itinanggi ng direktor na may problema sa NPO dahil wala umanong nababanggit sa kanyang tanggapan, ngunit seryoso ang poll body sa kanilang paghahanda.

Sakali umanong magkaroon nga ng problema sa NPO, pwede nilang tapusin ang pag-iimprenta kahit limang araw na lamang bago ang eleksyon.

Sinabi ni Jimenez na motivating factor lamang sa kanila ang target date para matapos ang mga bidding at pagbuo ng mga grupong magiging katuwang sa paghahanda ng halalan. Nenet Villafania

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply