Balota sa barangay election wala pa

SA kabila ng may 20 araw na lamang na nalalabi bago ang halalang pambarangay at sanguniang kabataan ay wala pang napipiling supplier ng mga election paraphernalia ang Commission on Elections (Comelec) na gagamitin sa halalan .

Kahapon ay sinimulan na ng Comelec-Bids and Awards Committee (BAC) ang pagbubukas ng mga dokumento na isinumite ng tinatayang 38 bidder para sa mga gagamiting kagamitan at forms sa halalang pang-baranggay sa Oktubre.

Gayunpaman,  tiniyak naman ng Comelec na may sapat pa silang panahon upang maisaayos ang lahat bago sumapit ang ika-25 ng Oktubre.

Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, hindi naman mahigpit ang bidding ngayon kumpara noong May 10 election kung kaya’t hindi kinakailangan ng mahabang panahon para makapili ang BAC ng mga supplier.

Tiwala si Jimenez na hanggang sa Oktubre 15 ay matatapos ang paglilimbag ng mga gagamiting balota lalo na’t may nakuha ng supplier ng papel ang Comelec.

Kaugnay  nito,una nang napili noong isang linggo ang Noah’s Paper Mills Inc. para magsuplay ng mga gagamiting papel sa halalan.

Muli namang  umapila ang Comelec sa National Printing Office (NPO) na dagdagan ang mga makina na gagamitin sa pag-imprenta upang mabilis na matapos ang paglilimbag ng mga balota. Jocelyn Tabangcura Domenden

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply