Balut, Pinoy!

Milwaukee, USA – Sinadya kong pumunts sa hometown ng sikat at pangalawa sa US na pinakamalaking planta o brewery ng beer – ang Miller beer. Sumali ako sa isa sa mga ino-offer na tour sa planta at nasaksihan ko kaloob-looban ng brewery at kung paano ginagawa ang sikat na Miller beer.

Ang nakakatuwa ay tourist destination ang planta. May gift shop at may mga tour guides talaga. Ililibot ka sa buong planta at may film showing pa ng buong proseso ng paggawa ng beer at ang history ng simula ng brewery ni Fred Miller.

Sa ending ng tour, may libreng tatlong baso ng beer at may mga chitchirya pa. Alam ko sa Pilipinas may mga ganitong tours din, hindi ko lang alam kung pwede itong tawaging industrial tourism kung saan bukas talaga sa mga turista ang mga tours sa mga  planta, maayos lang na makakapag-schedule, at may mga souvenirs ka pang mabibili para remembrance ng tour mo.

Magandang idea ang industrial tourism, dagdag kita at libreng promotion pa para sa produkto ng planta. Magandang economic stimulus ang kahit anong klase ng tourism. Meron nga lang kaakibat na efforts mula sa mga operations administration ng mga planta.

Sa pagse-set up ng tour facilities at sa pagse-set up ng maayos na sistema sa pagtanggap ng mga bisita at mga turista at pag-increase ng interes ng kanilang kumpanya.  Sa kaso ng Miller beer, sikat kasi sila sa buong mundo kaya ang mga pumupunta sa Amerika na nagagawi sa Milwaukee ay sinisiguro na makakadalaw sila sa brewery dahil ibang klase talaga ang experience.

May programa pa ng environmental concerns ang Miller kaya isa rin ito sa ipinagmamalaki nila sa mga turista, ang pagsisikap nila na maka-contribute sa pagsisikap ng buong mundo na bawasan ang industrial wastes na dulot ng industriyalisasyon.

Sa Pilipinas, ano bang mga produkto ang pwedeng makakuha ng interes ng mga turista, local man o foreign. Isa ang San Miguel beer. Sariling atin at may reputasyon talagan isa sa pinakamasasarap, kung hindi man pinakamasarap, na beer sa buong Asya.

Ang dapat na masama sa industrial tourism ay yung sariling atin, kahanga-hanga, at maipagmamalaki ng Pinoy. Halimbawa, ang balut industry ng Pateros, dapat may facility ng tour doon, kahit film showing lang dahil hindi mo naman nao-obserbahan talaga ang pag-transform ng itlog ng balut.

Sariling atin ito, unique sa Pilipinas at pwedeng panghikayat sa mga turista sa bayan ng Pateros.  Sa turismo, kailangan ang creativity at ang pagnanasa na iangat ang mga bagay sa bansa na proudly Pinoy!

Mag-text po kayo sa akin tungkol sa usaping ito sa 09215186724. O kaya ay email sa: ariel.inton@gmail.com.  Atty. Ariel Enrile-Inton

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply