Banal muntik kay Perez

MUNTIK nang matalo si Pinoy rising boxing star AJ “Bazooka” Banal kay Luis Alberto Perez kung hindi lang na-disqualify ang 32-anyos na Nicaraguan nang sapakin ng right hook ang Cebuano pugilist kahit na inawat na ito ng referee sa ginanap na Pinoy Pride event sa Waterfont Hotel and Casino sa Cebu City kamakalawa ng gabi.

Bumagsak si Banal ngunit hindi siya natalo sa laban dahil ang suntok na muntikang magpatulog sa kanya ay iligal na ibinato ni Perez.

Dinomina ni Banal ang unang six rounds subalit sa round 7 ay nakaganti ang kalaban at nagpakawala ito ng malakas na kaliwa na nagpahilo
rito.

Tinangka ni Perez na tapusin si Banal sa pamamagitan ng combinations ngunit nasalungat ito ng Cebuanong boksingero.

Pinaghiwalay ni referee Ver Abainza ang dalawa nang yumakap si Banal subalit sumuntok si Perez ng malakas na hook sa ulo ng 21-anyos na Cebuano dahilan upang madiskwalipika ito sa oras na 1:46 ng seventh round kaya idineklarang panalo ang una.

Ikinagulat naman ni Marco Antonio Garcia Fonseca, manager ni Perez, ang desisyon dahil inakala nilang ligal ang sapak na iyon.

“I told you after the fourth round, Perez will knock him out. The referee was behind the boxer so Luis Perez may throw a punch,” wika ni Fonseca.

Ayon kay Fonseca, ipapadala nila sa boxing organizations ang tapes ng laban para marebyu ito.

“Banal will never be a world champion. He is not a good boxer. He is good for only five rounds, after the fifth he scrambles,” walang gatol pang sabi ni Fonseca.

Naniniwala naman si ALA Promotions president Michael Aldeguer na tama ang nasabing desisyon.

“Once the referee comes in between and holds the two boxers, you’re not supposed to hit,” pahayag ni Aldeguer. Umangat ang kartada ni Banal sa 21-1-1 na mayroong 17 knockouts habang ang two-division world champion na si Perez ay lumagpak sa 26-5 taglay ang 17 knockouts.  Gilbert Perdez

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply