Bangkay ng 6 OFWs na natepok sa Kabul iuuwi na

INIHAHANDA na ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang pagpapabalik sa bansa ng bangkay ng anim na Filipinong namatay sa bumagsak na cargo plane sa Kabul, Afghanistan.

Ayon kay OWWA Administrator Carmelita Dimzon, ang anim na overseas Filipino workers (OFWs) na namatay ay pawang nakarehistro bilang miyembro ng OWWA kaya’t nararapat lamang na makatanggap ng benepisyo ang naulila nilang pamilya.

Idinagdag pa ni Dimzon na pinamamadali na ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz sa kanya ang pagpapabalik sa bansa ng bangkay ng anim na OFWs pati na ang paglalabas ng karapatang benepisyo sa kanilang mga pamilya.

Inatasan din ni Baldoz ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na imbestigahan ang Asia World Recruitment Inc., na nagpadala sa anim na Filipino sa Afghanistan gayong batid naman aniya na umiiral pa rin ang pagbabawal sa pagpapadala ng mga manggagawa sa naturang bansa. Johnny Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply