Bangkay ng babae nakasilid sa drum

DAHIL sa masangsang na amoy, nadiskubre ang bangkay ng isang hindi pa nakikilalang babae na nakasilid sa isang nakatumbang drum at halos naaagnas na.

Inilarawan lamang ang biktima na naka-puting knitted shirt at puting pants, nasa edad 40, may taas na 5’2”, maputi at may katabaan ang pangangatawan.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-dos ng hapon noong nakaraang Oktubre 21 nang madiskubre ang bangkay sa likod bahay ni Master Sgt. Nestor Agcaoili ng Phillipine Air Force sa Hagonoy st., Dela Costa Subd., Brgy. Amparo, Caloocan City.

Nabatid na isang residente ang nakaamoy ng mabaho sa lugar na kinalalagyan ng drum.

Nang tuntunin ang pinanggagalingan ng mabahong amoy ay nakita ang bangkay na nakasuot ang pang-itaas na bahagi ng katawan sa drum.

Hanggang sa kasalukuyan ay inaalam pa ng pulisya ang dahilan ng pagkamatay ng biktima, partikular kung merong “foul play” sa pagkamatay ng di pa nakikilalang biktima. Rene Manahan

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply