Bangkay ng lalaki nakita sa kalsada

SA gitna ng kalsada nakita ang  bangkay ng isang lalaki na may saksak sa dibdib, kamakalawa ng madaling araw, sa Caloocan City.

Nakilala ang biktima sa nakuhang identification card sa bulsa na si Bartolome Estrellado, nasa hustong gulang.

Batay sa ulat, dakong alas-2:15 ng madaling araw nang matagpuan ang biktima sa gitna ng kalsada sa Saint Peter st., Brgy. Deparo, ng nasabing lungsod.

Isang residente sa nasabing lugar ang nakakita sa bangkay na agad na itinawag sa barangay.

Inaalam na ng pulisya kung hinoldap o may nakaaway ang biktima. Rene Manahan

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply