Bangkero ng Lucky Nine pinatay

DAHIL sa larong “lucky nine” ay kamatayan ang sinapit ng isang bangkero matapos pagsasaksakin ng nakalaro nito sa isang lamayan, sa Tondo, Maynila.

Hindi na umabot pa ng buhay sa Gat Andres Bonifacio Memorial Hospital ang biktimang si Sitchman Auman, ng Area H, Gate 20, Parola compound, Tondo sanhi ng dalawang saksak sa kaliwang bahagi ng katawan.

Pinaghahanap ang suspek na si Raul Domingo, kapitbahay ng biktima na tumakas matapos ang insidente dala ang patalim na ginamit sa pananaksak.

Sa ulat ni SPO1  Alonzo Layugan, dakong alas-6:00 ng umaga nang naganap ang insidente sa lamayan ng patay ng kanilang kapitbahay sa Palagatac covered court.

Nabatid kay Joana Rose, kapatid ng biktima, sinugod ng suspek  ang biktima habang umiinom ng kape at pinagsasaksak ito.

Nakatakbo pa ang biktima subalit hinabol siya ng suspek saka inundayan ulit nang sunud-sunod na saksak hanggang bumagsak sa semento.

Bago maganap ang pananaksak ay naglaro pa ang biktima at suspek ng “Lucky Nine” kung saan naging bangkero ang una.

Inaalam naman kung may kinalaman nang pagkatalo ng suspek sa sugal  kung kaya nagawa nitong saksakin ang biktima. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply