Bangs Garcia, may sama ng loob kay Alex Gonzaga

INAMIN sa amin ni Bangs Garcia na mayroon siyang konting hinampo kay Alex Gonzaga dahil hindi man lang siya ipinaglaban sa isang blind item na pinag-usapan sa Juicy kung saan isa siya sa mga host ng show.

Inamin ni Bangs na hindi niya personal na napanood ang episode ng show kung saan siya ang tinutukoy sa blind item at kaya nito nalaman ay dahil maraming nag-text sa kanya na siya ang tinutukoy sa blind item.

“Nakakalokah naman, alam naman ni Alex na totoo ang boobs ko, dapat ipinaglaban niya ako.  Noong nasa Let’s Go kami, pinagdudahan talaga nila ang boobs ko dahil malaki ito.  Hindi sila naniniwala na likas ang umbok nito. Katunayan nga, pinahawakan ko pa nga sa kanya, huwag siyang mag-deny.  Kaya nga may tampo ako, di niya akong ipinaglaban.”

Baka naman, hindi alam ni Alex na siya ang tinutukoy dahil blind item nga ito?  “Posible sa una, wala siyang idea na ako ang nasa blind item pero bakit alam ng mga nag-text sa akin.  Di ba nagbubulungan sila kung sino ang nasa blind item.  Dapat sana, doon pa lang ay kinorek na niya ang tsika.”

PAULEEN LUNA, SINUGOD ANG WRITER NA SUMULAT NA NAKIPAGLAPLAPAN SIYA KAY KC MONTERO

In fairness, hindi daw sinugod ni Pauleen Luna kundi kinausap ang writer na nagsulat na ‘caught-in the act’ siya na nakipaglaplapan kay KC Montero isang gabi sa swimming pool. Kinausap lamang nito para pagsabihang hindi dapat isinulat ito dahil wala namang katotohanan ang isyu.

Inamin nitong walang masama kung totoo man ito dahil single silang dalawa ni KC. “What’s there to deny kung hindi naman ito totoo. Single si KC at single din naman ako bakit namin ide-deny kung mayroon.”

Sa isang panayam kay KC ang nasabi nitong wala siyang alam na may gan’ung nangyari sa kanila ni Pauleen.  Inamin nitong magkaibigan lamang sila pero hindi sila ‘yung buddy-buddy na nag-uusap. Nagpunta lang siya sa party ng Eat Bulaga dahil magkakaibigan naman sila pero walang naganap na laplapan.

Tungkol naman sa isyu ni Pauleen kay Gerald Anderson ay inamin nitong dinadalaw siya ng aktor sa istudyo ng Eat Bulaga at may dala pa itong mga pagkain.  Posibleng isa ito sa mga naging kasalanan ng aktor kay Kim Chiu na iniyakan nito noong presscon ng Till My Heartaches End.

Matatandaang pinabulaanan ng aktor ang isyu na sobrang ikinagulat naman ng aktres dahil maraming nakakita sa kanya na may dala pa itong pagkain para sa mga anak ni Ruby.  But in fainess, inintindi naman ng aktres dahil ang tanging naisip nito ay may ka-loveteam ang aktor na dapat niyang protektahan. Aniya, “Mahal niya siguro ang trabaho niya kaya he’s willing to risk the 30 people na nakakaalam sa kanyang pagpunta sa Eat Bulaga.”

Hindi nagpaapekto si Pauleen sa pag-deny ng aktor at kahit pagtawag sa aktor ay hindi niya ginawa lalo na ang pagteks para sumbatan ito.  Aniya, “In-ignore ko na lang at inintindi ko na lang na he’s one hot celebrity right now and mas mahal nito talaga ang kanyang career more than anything else.” Alex Datu

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply