Banta ng kudeta minaliit ng Palasyo

MALABONG pag-ugatan ng mga adbenturismo sa militar ang naging desisyon ni Pangulong Aquino  na bigyan ng amnestiya ang mga rebeldeng sundalo na nag-aklas laban sa Arroyo administration.

Ayon kay  Presidential Spokesman Edwin Lacierda, kumpiyansa silang hindi ito mangyayari dahil kapakanan ng taumbayan  ang kanilang isinusulong.

Ayon kay Lacierda, tugma ang programa ng Aquino administration sa adhikain ng mga nasa AFP kaya tiwala silang hindi magkakaroon ng mga panibagong pag-aaklas.

Magugunitang inihayag ni Sen. Joker Arroyo na maaaring isipin ng mga sundalo na okay lang magrebelde at mabibigyan din ng amnestiya kinalaunan. Kris Jose

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply