Barangay Ginebra tersera na sa team standings

SUMAMPA  sa pangatlong puwesto ng 10-team composition ang Ginebra San Miguel kasunod ng mga nangungunang San Miguel at Talk ‘N Text (4-1) sa pagkakasungkit ng ika-apat na panalo (4-2) kasunod ng pagpapalubog sa Rain or Shine sa 2-4 win-loss record sa PBA Philippine Cup sa Big Dome.

Sina Willie Miller, Ronald Tubid, Jayjay Helterbrand at Mark Caguioa na pumutok ng 22, 17, 12 at 11, ayon sa pagkakasunod sa paglupig sa Elasto Painters sa score na 90-73 na 3 na kabit-kabit na pagwawagi ng tropa ni Coach Jong Uichico.

Bumanat nang magkakasunod na triples sina Miller at Helterbrand sa pagpapakita ng lakas ng Gin Kings  sa kanilang shooting averages.

Kasunod ng pagwawagi sa B-Meg Derby Ace at Barako Bull Energy Boosters na may kalamangang 16.3 puntos.

Nauna rito, nilagot ng Barako Bulls ang lubid ng pagkatalo kasunod ng isang maituturing na upset nang diskarilin ang tropa ng dating head coach Yeng Guiao ng  Air Express.

Nagsara ang mga quarters na 25-18, 46-33, 72-54 at winakasan sa score na 89-79.

Nakapagtala ng kanyang 23 puntos na conference high si Mark Isip na dinagdagan nina Sunday Salvacion ng 15 at 13 ni Aris Dimaunahan.

Bubuwelta ang Elasto Painters laban sa Barako Bulls samantalang magmimistulang preview ng semi-finals ang sagupaan ng Tropang Texters at Alaska Aces sa main game ng double header halloween presentation sa Araneta Coliseum ngayong hapon. Radito Torres

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply