Baylerinang flight attendants inupakan

KINUWESTYON ni Malabon Rep. Josephine Lacson-Noel ang gimik ng Cebu Pacific na pagsayawin ang mga flight attendants habang nagbibigay ng instructions para sa kaligtasan sa loob ng eroplano.

Sinabi ni Lacson-Noel na hindi tama ang pagkakaroon ng mga dancing flights attendants dahil kung magsasayaw lang ang mga ito ay mas bagay ang mga ito sa isang variety show.

Para sa kongresista, palpak ang lohika ng cebu pacific dahil maaaring may nilabag ng mga ito ang ilang panuntunan.

Iginiit ni Lacson-Noel na masyadong mahigpit ang safety measures sa eroplano kaya hindi angkop ang mga nagsasayaw na flight attendants.

Bukod dito, naniniwala din ang kongresista na nakakawalang-respeto rin sa panig ng mga flight attendants na pagsayawin sa eroplano kahit pa sinasabi ng Cebu Pacific na kusang loob itong ginawa ng mga empleado.

Una nang binatikos ng mga militanteng kongresista ang hakbang ng Cebu Pacific dahil lalabagin nito ang Labor Code at Magna Carta for Women kasama na ang safety standards ng International Civil Aviation Organization. Meliza Maluntag

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply