Bgy. chairman, operator ng ‘RR’ jueteng network sa Caloocan; video karera sa Camanava

SINO itong barangay chairman sa Bagong Barrio, Caloocan City na itinuturong operator ng jueteng nitong sina “RR”?

Ayon sa sumbong sa atin, sa bahay raw ni chairman ginagawa ang bolahan ng jueteng nina “RR” apat na beses isang araw. Malapit lang daw sa isang police station ang bahay ni chairman kaya’t wala itong kakaba-kaba lalo na tungkol sa hulihan.

Bakit, ‘ika n’yo? Si chairman kumag daw kasi ang sumasagot sa “tsibug” ng mga pulis araw-araw bukod pa sa lingguhang “tong-pats”!

Kaya ang resulta, siga daw ang dating ni chairman sa lugar niya. Madalas niyang ipagmalaki sa kanyang constituents na hawak niya sa leeg ang mga pulis.

Walanghiya rin daw itong si chairman. Madalas daw itong manutok ng baril sa mga constituents niya.

Pero ang masakit nito, ultimo budget daw nila sa barangay ay madalas sunugin ni chairman sa sabungan sa kabila ng limpak-limpak na salapi na kinikita nito sa pa-jueteng nila nina “RR”!

Palaging talo ang si chairman sa sabungan, bagay na isang karma na tumama sa kalokohan niya.

Isa lang itong si chairman sa mga barangay officials na nagsisilbing galamay nina “RR” sa jueteng network nila sa Caloocan.

Ayon sa source natin, kilalang mga matataas na opisyal ng Caloocan City itong sina “RR” at may ipinagmamalaking tibay sa Palasyo ng Malakanyang!

“Manyakol” din daw ang isa sa dalawa nina “RR” dahil kahit sa loob ng VIP room ng paboritong  KTV bar nito sa lungsod ay gumigimik ang kumag! He, he, he!

* * *

LAGANAP ang video karera ngayon sa CAMANAVA area (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela).

Kagagawan daw ito ni Rey R., ang kinikilalang hari ng video karera sa lugar ng Caloocan at Valenzuela.

Nakopo na daw ngayon ni Rey R. ang buong Camanava sa tulong ng ilang pulis at tiwaling media men.

* * *

Lintek daw ang “palabas” ng mga “chi-ching” sa tatlong branches ng ST Club sa Caloocan City. May mga babaeng menor-de-edad pa daw na nagbebenta ng aliw doon.

Tsk, tsk, tsk!

Alam kaya ito ng lokal na tanggapan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)?

Huwag na nating tanungin ang Caloocan City police dahil “patong” sila sa nasabing mga club ng ST.

Alam n’yo ba kung bakit? Pag-aari ang ST Clubs ng isang nagngangalang “Alex” na nagpapakilala bilang miyembro ng PNP-CIDG sa Camp Crame.

Meron din siyang ST Club sa Quirino Highway sa Baesa, Quezon City.

* * *

Anumang reklamo, komento o suhestiyon, text o tawag lang sa 0927-9117770 o e-mail lang sa boyetmunar@yahoo.com at malugod ko kayong paglilingkuran! Boyet Munar

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply