BI binulabog ng bomb threat

BINALOT ng tensyon ang tanggapan ng Bureau of Immigration (BI) matapos na makatanggap ng bomb threat kahapon ng umaga.

Base sa ulat ni Chief Insp. Oliver Navales, dakong 8:30 ng umaga nang makatanggap ng text message ang opisyal ng BI na si Atty. Faisal Hussein hinggil sa bomb threat.

Ayon kay Hussein, isang di nagpakilalang texter na gamit ang cellphone number na 09194725218 ang nagbigay mensahe sa kanya nagbabantang pasasabugin ang gusali ng BI.

Nasa tanggapan naman ng Department of Justice (DOJ) para sa isang pulong si BI officer-in-charge Ronald Ledesma nang matanggap ang report kaya kaagad na hiniling na magpadala ng bomb squad upang mag-inspeksiyon sa gusali.

Inatasan rin nito ang BI Intelligence Division upang pamahalaan ang evacuation sa mga empleyado.

Negatibo naman sa bomba ang gusali nang inspeksyunin ng bomb squad kaya’t nagbalik din agad sa normal ang operasyon ng tanggapan.

Ayon kay Ledesma, taong 2000 nang huling bulabugin ng bomb threat ang BI.  Jocelyn Tabangcura-Domenden

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply