Binababoy na ngayon pa lamang ang lump sum

TILA marami ang lump sum sa pambansang badyet para sa 2011.

Yang lump sum ay malalaking halaga, bilyon-bilyong piso, at nais nina PNoy na ipahawak sa mga ahensiya ng pamahalaan sa pag-asang magamit ang mga ito para makaahon si Mang Juan sa kahirapan at umunlad na rin ang repablik kong mahal.

Por eksampol ng lump sum ang P29.2 bilyon para sa Pantawid Pampamilya Pilipino Program  at  ang  P21 bilyong para sa  Conditional  Cash  Transfer para sa mga ma-hihirap na pamilya.

Meron din umanong  21% na lump sum  na  makukuha ng  Visayas  at 21% ng Mindanao.

Pero habang nakalapag ang mga panukala ukol sa lump sum sa Kamara, ewan natin kung ano-ano ang pumapasok sa kukote ng mga kongresman. Para silang sina Adan at Eba na natukso ng ahas at sa halip na mansanas ang kanilang ngangasabin, yung pera ni Juan ang gusto nilang lamunin.

Noong una, nitong nakaraang Biyernes, nagtatanong tayo kung para kanino, ano at saan ang mga bilyon-bilyong pondo o lump sum ng gobyerno.

At lalo tayong magtatanong ngayon dahil sa pinasingaw mismo ng ilang kongresman na magkakaroon ng P50 milyon ang bawat isa sa kanila mula sa lump sum na ipahahawak sa Department of Public Works and Highways.

Ano yan, huh? Bukod pala sa lump sum sa PPPP, CCT at Visayas at Mindanao, meron din pala sa DPWH. Tanong pa, meron din bang mga lump sum sa ibang departamento ng pamahalaan, huh?

Kung meron, paano kung sasalakayin din ang mga ito ng mga kongresman? Paano kung maglaway rin ang mga taga-Palasyo at Senado?

Di magkaloko-loko na ang lahat, huh?

Nakakaisang hakbang pa lang tungo sa “matuwid na landas” ang administrasyong Aquino pero lumiliko na yata.

Para mas madaling maintindihan, Suki, ang punto, heto ang kuwentahan.

Sa halip na P70M lang sa loob ng isang taon ang priority development assistance fund o pork barrel ng bawat mambabatas, magkakaroon umano sila ng dagdag na P50M mula sa DPWH.

P70M + P50M = magkano nga ba, Suki? Eh may magpapaabot umano sa P145M.

Paano kung sumawsaw pa sila sa ibang mga lump sum?

oOo

Batay na rin sa kuwento ng mga kongresman, madaling maintindihan kung paano nila pinagkakaperahan ang pork barrel o PDAF.

Tiyak na ang 20% tongpats o komisyon nila sa kabuuang halaga at sa P70M hanggang P145M, may kita silang P14M hanggang P29M.

Pero ang mga sagad sa buto sa pagkasutil sa kanila, higit ang kanilang kita kapag sarili nilang kompanya ang gagawa ng mga proyekto.

Pero mas kumikita sila sa mga ghost project dahil suwak sa kanilang bulsa ang kabuuang pondo ng proyekto.

Nasa  at malaki-laki ang halaga nito pag kinuwenta sa loob ng tatlong taon nilang panunungkulan.

Kita ninyo, Suki? Rey Briones

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply