Binata binoga sa likod ng ulo

DEAD on arrival sa pagamutan ang isang binata makaraang barilin sa likod ng ulo habang naglalakad kamakalawa ng gabi, sa Cavite City Public Market, Cavite.

Batay sa nakalap mula sa tanggapan ni Cavite Provincial Director Sr. Supt. Danilo Maligalig, ang biktima ay kinilalang si Aldren Crisologo, 20, ng Romualdo st., Caridad.

Hindi naman nakilala ang suspek na nakasuot ng itim na jacket at pulang sombrero, na mabilis na nakatakas tangay ang kalibre .45 baril na ginamit sa pamamaslang.

Batay sa imbestigasyon ni PO1 Nick Balberan, dakong 7:20 ng gabi habang ang biktima ay naglalakad sa palengke nang barilin ng suspek sa likod ng ulo.

Mabilis na isinugod sa Bautista Hospital ang biktima subalit hindi na  umabot pa ng buhay.

Narekober mula sa lugar ng pinangyarihan ang basyo ng kalibre .45 pistol habang patuloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa pagkakakilanlan sa suspek at kung ano ang motibo sa pamamaslang. Gaynor Bonilla

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply