Binata dedbol sa banggaan ng motorsiklo

NAMATAY habang ginagamot ang isang binata makaraang humampas ang ulo sa semento at magtamo ng mga sugat sa iba’t ibang parte ng katawan nang mabundol ang sinasakyang motorsiklo sa kapwa motorsiklo, kahapon ng madaling-araw, sa Governor’s Drive, Brgy. Manggahan, General Trias, Cavite.

Ang biktima ay nakilalang si Ryan Fabrigas, 24, ng Sitio Tinungan, Brgy. Manggahan, nasabing lugar, na namatay habang ginagamot sa MV Santiago Hospital.

Kasalukuyan namang ginagamot ang suspek na nakilalang si Jaidhee Manalo, 22, binata, private employer at nakatira sa Brgy. Salaban, Amadeo ng lalawigan ding ito.

Ayon sa imbestigasyon ni PO2 Pilapil, dakong 3:00 ng madaling araw, binabaybay ng biktima ang nasabing lugar na minamaneho ang Honda Motorcycle (2794WD), habang ang suspek ay nagmamaneho naman ng Honda Motorcycle (1245PF), nang biglang nag-overtake sa nauunang pampasaherong jeep kung saan parating naman ang biktima na nasa bandang gitna ng kalsada.

Hindi na nagawa pang makaiwas ng suspek sa biktima at ito ang binangga dahilan upang kapwa sila tumilapon sa minamanehong motorsiklo.

Kasalukuyang isinasaayos ang kasong Homicide na isasampa laban sa suspek. Gaynor Bonilla

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply