Binata hinataw ng kainuman

NAWALAN ng malay ang isang binata matapos hatawin sa ulo ng bangko ng kapitbahay nang magkulitan habang nag-iinuman, sa Caloocan City.

Inoobserbahan sa Jose Reyes Memorial Medical Center si Roberto Morales, 28, ng Binangonan st., Maypajo, ng nasabing lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na si Manolo Santiago, 45, at kapitbahay ng biktima.

Batay sa ulat, dakong alas-2:00 ng madaling araw, nag-iinuman sa tapat ng kanilang bahay ang biktima at ang suspek nang magkakulitan ang mga ito.

Dinampot ng suspek ang inuupuan bangkong kahoy saka hinataw sa ulo ng biktima na nawalan ng malay.

Kaagad na tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa JRMMC. Rene Manahan

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply