Binata kinadyot

NAKARATAY sa pagamutan ang isang binata matapos saksakin ng isang lasing habang naglalakad sa kahabaan ng Road 10, Northbay Boulevard South, Navotas City.

Ang biktima na ginagamot sa Tondo Medical Center sanhi nang saksak sa katawan ay nakilalang si Milo Arias, 18, walang hanapbuhay at residente ng LRT Alley, ng nasabing lugar.

Inatasan naman ni Supt. Bernard Tambaoan  ang kanyang mga tauhan upang mahuli ang nagsitakas na salarin.  Roger Panizal

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply