Binata kinarne ng karibal

SELOS ang nag-udyok sa isang binatilyo upang saksakin hanggang sa mapatay ang karibal nito sa harapan mismo ng mga kaibigan nila.

Ang biktmang namatay habang ginagamot sa Valenzuela Hospital ay nakilalang si Jonathan Bartolome, 20, binata at residente ng 1495 Governor Santiago st., Malinta, Valenzuela City.

Samantala, nakilala ang suspek na si  Aprilyn Meneses, 17, residente ng Katangalan, Obando Bulacan, na mabilis na tumakas matapos ang pamamaslang na naganap sa Roriguez st., Santolan, Malabon City.

Ayon sa report ni Senior Insp. Realito Esperida, ganap na alas-diyes kamakalawa ng gabi nang maganap ang insidente.

Ayon sa salaysay ng mga kaibigan ng biktima at suspek na nakasaksi ng pamamaslang, kasama nilang naglalakad si Bartolone nang makasalubong ang suspek.

Nagulat umano sila nang biglang undayan ng sunud-sunod na saksak ang biktima, na agad binawian ng buhay.  Roger Panizal

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply