Nakitulog sa kaibigan tinarakan

NASA kritikal na kalagayan ang isang binata nang pagsasaksakin ng kalugar habang natutulog sa bahay ng kaibigan dahil sa labis na kalasingan  sa Caloocan City.

Inoobserbahan sa East Avenue Medical Center sanhi ng mga saksak sa mukha at katawan si Raymond delos Santos, 19, ng Barrio San Lazaro, Tala, ng nasabing lungsod.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na nakilala lang sa alyas Jeffrey, kalugar ng biktima.

Batay sa ulat, dakong alas-11:00 ng gabi, nakatulog ang biktima dahil sa kalasingan sa bahay ng kaibigan na si Nelson Ramos nang pasukin at pagsasaksakin ng suspek.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa EAMC kung saan inaalam na ang motibo sa pananaksak. Rene Manahan

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply