Binata putol ang ulo sa kawad ng kuryente

NAGING masaklap ang sinapit na  kamatayan ng  isang binata matapos bagsakan ng high tension wire ng Manila Electric Company (Meralco) na naputol makaraang tamaan ng kidlat, habang isa pa ang nasugatan  kamakalawa ng gabi sa Navotas City.

Ang nasawi sa insidente sanhi ng pagkaputol ng ulo dahil sa tindi ng epekto ng kuryente sa katawan nito ay nakilalang si Emmanuel Pilera, 20, laborer ng Galicia Extension, Western Garments, naninirahan sa Brgy. Bangkulasi, nasabing lungsod.

Nagtamo naman ng paso sa katawan at nasa ligtas na kalagayan ang isa pang biktima na si Joel Mutya, 35, tricycle driver at naninirahan  sa  nasabing pabrika.

Ayon sa imbestigasyon ni PO3 Edwin Guzman, dakong 8:30 kamakalawa ng gabi nang maganap ang insidente.

Base sa salaysay ng mga saksi, naglalakad ang biktima nang  kumidlat at aksidente nitong tinamaan ang high tension wire ng Meralco dahilan upang maputol ito.

Pumulupot sa paa ng biktimang si Pilera ang kawad ng kuryente na nagresulta upang tumumba sa kalsada habang ang isa pang wire ay pumulupot naman sa leeg nito na naging dahilan upang tuluyang maputol ang kanyang ulo.

Ayon sa awtoridad, nagtamo ng pinsala sa katawan si Mutya matapos makuryente nang madaanan ng gulong ng tricycle nito ang kawad ng kuryente habang himala namang walang nasaktan sa sakay nito. Roger Panizal

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply