Pinagbintangang magnanakaw binoga

PINAGBINTANGAN na magnanakaw bago binaril ang isang lalaki, sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi.

Inoobserbahan sa Valenzuela General Hospital sanhi ng tama ng bala sa tiyan si Noel Borja, 30, ng Sitio Sulok, Ugong, ng naturang lungsod.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang mga suspek na sina Randy Ebano at Marco Herrera, ng Binatugan st., Brgy. Ugong.

Sa ulat, dakong alas-9:00 ng gabi, kinompronta ni Borja si Ebano sa isang tindahan hinggil sa ginawang pagnanakaw nito sa kanya.

Umalis si Ebano subalit makalipas ang ilang saglit ay muling nagbalik kasama si Herrera.

Inabot ni Ebano ang isang pen gun kay Herrera na siyang bumaril kay Borja bago nagsitakas habang dinala naman ang biktima sa VGH. Rene Manahan

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply