Binatang natutulog binoga

MUNTIK nang magtuloy-tuloy ang pagtulog ng isang binata makaraang barilin ng isang hindi nakilalang lalaki habang ito ay mahimbing na natutulog sa loob ng kanyang bahay kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Ang biktima ay nakilalang si Jayson Alcantara, 29, binata at residente ng 150 E. Rodriguez st., Sangandaan, ng nabanggit na lungsod.

Itinuro ng mga saksi si Raymond David na siyang bumaril sa biktima. Kasalukuyang pinaghahanap na ng mga awtoridad si David.

Base sa ulat ng Caloocan PNP, naganap ang insidente dakong 6:30 ng gabi.

Nabatid na ang biktima ay mag-isang natutulog nang pasukin ng  suspek at agad na pinutukan ng hindi nabatid na kalibre ng baril.

Matapos matamaan ng bala sa dibdib si Alcantara ay mabilis na tumakas ang suspek dala ang ginamit na baril.

Agad isinugod  ng  mga kaanak ang biktima sa Jose Reyes Memorial Medical Hospital, kung saan  patuloy itong inoobserbahan. Jun Samson

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply