Binatilyo kinadyot sa rambulan

PATAWIRIN ang buhay ng isang binatilyo makaraang saksakin sa naganap na rambulan, kamakalawa ng hapon, sa Quezon City.

Kinilala ni Supt. Ramon Mauleon Perez ang biktima na si Edward Espinosa, high school student, ng 439 Camp Grezar st., Brgy. Bagbag, Novaliches, ng nasabing lungsod.

Si Espinosa ay patuloy na inoobserbahan dahil sa malubhang kondisyon nito  sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi nang mga saksak sa likod at iba pang parte ng katawan.

Base sa ulat ng pulisya, nagsimula ang pangyayari dakong alas-2:00 ng madaling araw sa panulukan ng Nitang at Quirino Highway, Brgy. Gulod,Novaliches

Nauna rito, habang naglalakad ang biktima kasama ang kaibigang si Mark Lopez nang masalubong ang mga hindi nakilalang suspek.

Bigla na lamang pinagbabato ng mga suspek ang mga biktima kaya napilitan gumanti hanggang sa mauwi sa rambulan.

Umabot din sa ilang minuto ang away napansin na lang na duguan ang biktima dulot ng mga tama ng saksak sa katawan.

Mabilis na tumakas ang mga suspek at naiwanan na nakahandusay ang biktima kaya agad na isinugod sa Nova General hospital subalit dahil sa malala ang mga sugat ay nagpagsiya ang mga doktor na ilipat sa JRMMC.Patuloy namang tinutugis ng pulisya ang mga tumakas na suspek. James de Jesus

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply