Binatilyo tinarakan ng mga bangag

NAKARATAY sa pagamutan ang isang binatilyo matapos kursunadahin at saksakin ng isa sa walong kalalakihang sabog sa ipinagbabawal na gamot kahapon ng madaling araw sa Malabon City.

Ang biktimang ginagamot sa Jose Reyes Memorial Hospital sanhi ng tinamong saksak sa likuran  ay nakilalang si Reymart Herboso, 17, ng Phase 3, Longos, ng nasabing lungsod.

Kasalukuyang nagsasagawa ng follow-up operation ang mga awtoridad upang maaresto at matukoy ang pagkakilanlan ng mga salarin na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Base sa imbestigasyon ni P03 Elezalde Tuledo, ganap na alas-dos ng madaling araw kahapon nang maganap ang insidente sa tapat ng bahay ng biktima.

Ayon sa ulat ng pulisya, kasalukuyang naglalakad ang biktima nang makasalubong ang mga suspek.

Paglampas ng biktima, isa sa mga salarin ang palihim na nagbunot  ng patalim at walang sali-salitang tinarakan sa likod ang biktima saka mabilis na nagtakbuhan sa hindi matukoy na direksyon. Roger Panizal

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply