Bishops, Pangulong Aquino bati na

IKINATUWA ng Malakanyang nang pakinggan ng mga miyembro ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang posisyon ni Pangulong  Benigno “PNoy” Aquino III sa isyu ng “responsible parenthood.”

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, muling ipinaliwanag ng Pangulo ang kanyang posisyon ukol sa birth control, na pinakinggan naman ng CBCP.

Maituturing umano itong “pleasant dialogue” at magkakaroon pa ng mga susunod na pag-uusap. Nilinaw ng CBCP kay Pangulong Aquino na wala silang balak i-ex-communicate ang Pangulo.

Sinimulan na ng Malakanyang at CBCP  ang serye ng dialogue hinggil sa kanilang hidwaan ukol sa birth control policy ng gobyerno.

Sa panig ng Pangulo, dumalo sina Presidential Management Staff chief Julia Abad at Health Secretary Enrique Ona. Samantala, kabilang sa mga obispo sina CBCP president Nereo Odchimar, Bishop Luis Tagle, Bishop Antonio Ledesma at Ricardo Cardinal Vidal. Kris Jose

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply