Biyahe ng Cebu Pacific balik na sa normal

MAKARAAN ang pananalasa ng bagyong “Juan,” balik na sa normal na operasyon ang lahat ng biyahe ng Cebu Pacific airline.

Ang impormasyon ay ipinahayag kahapon ni Candice Iyug, public information chief ng Cebu Pacific.

Kamakalawa, anim na flight ng Cebu Pacific na biyaheng Manila-Tuguegarao at Manila-Laoag ang nakansela dahil sa nasabing bagyo.

Samantala, nakaantabay naman ang Manila International Airport Authority (MIAA) sa mga advisory ng iba pang airline company na nauna nang nagkansela ng kanilang flight.

Umabot sa 16 na flights ang kinasela kamakalawa dahil sa pananalasa ni Juan.

Magugunita na naglabas ng media advisory ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Apat na flight sa Manila Domestic Airport ang kinansela, kabilang na ang dalawang biyahe ng Southeast Asian Airlines at dalawang biyahe ng Zest Airways.

Dalawang domestic flight din ang kanselado sa NAIA Terminal II, partikular ang mga biyahe ng Philippine Airlines (PAL) na Manila-Laoag at Laoag-Manila.

Sampung domestic flights naman sa NAIA Terminal III ang kanselado, kabilang na ang apat na domestic flight ng Air Philippines at anim na flight ng Cebu Pacific. Johnny F. Arasga

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply